Inihihirit ni Paranaque 2nd District Representative Brian Raymund Yamsuan na dagdagan ang pondo ng Presidential Communications Office (PCO) upang matulungan ang gobyerno na manalo sa giyera kontra fake news.
Binigyang-diin ni Yamsuan na bilang lead communication agency ng gobyerno ang PCO nararapat lamang na manguna ito sa pagbibigay ng mga tumpak na impormasyon at pagtatama sa mga maling impormasyon na kumakalat sa social media.
Sinabihan ni Yamsuan ang PCO na magbigay ng mga resources para sa kanilang mga programa sa digital media.
Giit ng Kongresista na dapat sabihan ng PCO ang Kongreso sa lahat ng kanilang kakailanganin para maging epektibo ang komunikasyon sa publiko.
Ayon sa Kongresista ang pagpapakalat ng mga mali at malisyosong impormasyon o disinformation ay banta sa freedom of speech and expression.
Ayon kay Assistant Secretary Jose Maria Villarama II na ang panukalang spending plan ng PCO para sa kanilang digital media initiatives para sa fiscal year 2026 ay nasa P16 million.
Binigyang-diin ni Yamsuan na ang nasabing budget ay hindi sapat para i-counter ang fake news at disinformation.