Reading Time: 1 minute
Team USA
Team USA

Hindi maitago ni USA Basketball coach Gregg Popovich ang kaniyang paghanga sa Team France matapos na sila ay talunin, 89-79, sa quarterfinals ng FIBA Basketball World Cup.

Itinuturing kasi na ito ang unang talo ng USA at nagputol sa 48 game winning streak ng makuha ang 2010 at 2014 titles sa FIBA.

Sinabi ng 5-time champion coach, mabilis na silang nakapag-move on at tinanggap na nila ang nasabing pagkatalo.

Bagamat binigo sila, hanga pa rin daw ito sa sipag ng kaniyang mga manlalaro na pawang mga NBA players.

Para kay Popovich ito na na rin aniya ang pinakamagaling na koponan ng France na kaniyang nakita.

Kaya hindi matatawaran ang kasanayan ng France sa paglalaro sa world stage.

Dahil dito ay makakaharap na lamang ng USA ang Serbia sa classification game mamayang gabi.