Interesado ang kampo ni Manny Pacquiao na kunin si Eumir Marcial .

Sinabi ni MP Promotions president Sean Gibbons, may magandang record si Marcial kaya nararapat na ito ay mapasama sa kanilang team.

Hindi aniya malayong magaya ito sa Filipino boxing champion kapag ito ay tumagal.

Ang 5’8″ na middleweight boxer ay nanalo ng gold medal sa Southeast Asian Games at silver medal naman sa 2019 AIBA World Boxing Championships.

Tiyak na rin ang kaniyang paglaban sa Tokyo Olympic.