-- Advertisements --

Nagpahayag ng pagkabahala ang Makabayan bloc solon kaugnay sa umano’y ginagawang mga tagong flights ng mga US aircraft sa Pilipinas.

Dahil dito nananawagan si House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Partylist Representative France Castro ng isang Congressional investigation hinggil sa “covert” flights ng mga US military planes sa bansa.

Sinabi ni Rep. Castro na ang mga isinagawang tagong flights ng mga US planes sa ibat ibang bahagi ng bansa na walang pahintulot sa mga airport authorities ay talagang nakakabahala.

Binigyang-diin ni Castro, dahil sa Ehanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) at Visiting Forces Agreement (VFA) ginagawa ng de facto US military base ang Pilipinas kung saan nakokompromiso ngayon ang soberenyan ng bansa.

Inihayag ni Castro na posibleng naging dahilan sa pagdami ng mga Chinese vessels sa West Philippine Sea ay ang ginagawang covert flights ng Amerika.

Ayon sa Makabayan bloc lawmaker, ang presensiya ng mga US forces sa bansa ay lalong nagpapalala sa tensiyon sa West Phil. Sea.

Sabi ng mambabatas na mahalaga na magkaroon ng Congressional investigation ukol dito para magkaroon ng linaw hingil sa mga tagong flights ng Amerika sa bansa.

Panawagan naman ng Progresibong grupo na ipawalang bisa na ang Mutual Defense Treaty (MDT), EDCA at VFA.