Naglaan ang Bureau of Internal Revenue o BIR ng karagdagang panahon sa pagpasa ng mga dokumento at pagbabayad ng buwis.
Ang hakbang na ito ng kawanihan ay bilang pagpapakita ng suporta at pakikiramay sa ating mga kababayan na labis na naapektuhan ng malakas na pagyanig sa rehiyon ng Visayas
Layon rin nito na matulungan ang mga taxpayers na direktang nasalanta ng lindol na muling makabangon at makapagpatuloy sa kanilang mga obligasyon.
Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., ang lahat ng deadlines para sa pagbabayad ng buwis at pagsumite ng mga kinakailangang dokumento ay pinalawig hanggang ika-31 ng Oktubre, taong 2025.
Sakop ng extension na ito ang mga taxpayers na nakarehistro sa mga Revenue District Offices ng Mandaue City, Cebu City North, Cebu City South, Talisay City, at maging ang Large Taxpayers Division – Cebu.
Paliwanag ng BIR, nauunawaan nila ang hirap at paghihirap na dinaranas ng mga taxpayers sa mga lugar na naapektuhan ng lindol, kaya naman isinagawa ang hakbang na ito.
Dagdag pa rito, tiniyak din ng BIR na walang sinumang taxpayer ang papatawan ng anumang penalty, surcharge, o interes kung sakaling maghain sila ng kanilang mga obligasyon sa loob ng pinalawig na deadline.