Kapwa bumida sina Jayson Tatum na may 21 points at Jaylen Brown ay nagdagdag ng 19 para sa panalo ng Boston Celtics laban sa Chicago Bulls, 113-101.

Umabot sa anim na mga players ng Celtics ang nagpakita ng double double figures kasama na sina Enes Kanter na may 15 points at nine rebounds, Kemba Walker na nagtapos sa 14 points at si Marcus Smart ay hindi rin nagpahuli sa 12 points.

Sa ngayon hawak na ng Boston ang 27-11 record nang itala rin nila ang dalawang magkasunod na panalo upang bumangon sa naunang tatlong nakakadismayang serye ng pagkatalo.

Sa kampo ng Bulls si Zach LaVine naman ang nagpakitang gilas na may kabuuang 30 points kasama na ang mala-halimaw na dunks.

Napako naman ang Chicago sa 14-27 record kung saan nabokya ang team sa pitong talo mula sa huling walong laro.

-- Advertisement --