clarin mayor ambush cebu

CEBU CITY – Bumuo na ng Special Investigation Task Group (SITG)-Navarro ang Cebu PNP na siyang tututok sa kaso ng pananambang patay kay Clarin, Misamis Occidental Mayor David Navarro kahapon sa M. Velez Street Brgy. Guadalupe sa Cebu.

Ito ang pahayag ni Cebu City Police Office (CCPO) Director Police Colonel Gemma Vinluan na siya mismong mangunguna sa naturang taskforce na binubuo ng mga pulis.

Iniutos na rin ni Vinluan na kunan ng affidavit ang lahat na nandoon sa area nang mangyari ang krimen.

Siniguro naman ni Vinluan na sisilipin ang lahat ng anggulo pati na isyu kung matagal na bang may death threat ang napaslang na alkalde.

Samantala, dinepensahan naman ng direktor ang mga pulis na kasama ng mayor ng mangyari ang ambush.

Aniya, “caught on surprise” lang ang mga ito at hindi inaasahan ang nangyari lalo na’t magaan na kaso lang naman ang kinahaharap ng mayor.