STEPHEN CURRY
Warriors guard Stephen Curry

Hangad ngayon ng Golden State Warriors na ma-sweep ang kanilang serye sa Portland Trail Blazers sa Game 4 bukas sa nagpapatuloy na Western Conference finals.

Ayon kay Stephen Curry, mas mabuting matapos ng maagad ng serye nila para makapagpahinga ang mga injured players at paghandaan ang NBA finals.

Mas maganda umano na samantalahin ang maiksing break bago sila sumabak muli sa championship games.

Kung matapos kasi bukas ang serye, meron silang siyam na araw na pahinga bago magsimula ang Finals sa May 30.

Sa ngayon hindi pa rin sigurado na makakapaglaro bukas si Andre Iguodala habang may calf injury din ang superstar na si Kevin Durant.

Una na ring sinabi ni Warriors forward Draymond Green na malakas ang kanilang motibasyon ngayon na ma-sweep ang serye.

Abanse ngayon sa 3-0 ang Warriors at isang panalo na lamang ang kailangan para muling makapasok sila sa championship.