-- Advertisements --

Nagpakalat ng mga pulis at sundalo ang gobyerno ng Tanzania para maiwasan ang kilos protesta sa pagdiriwang ng kanilang Independence day.

Ang anumang protesta kasi na isasagawa kasabay ng kanilang pagkakalaya mula sa Britanya noong 1961 ay magreresulta sa kudeta.

Hinikayat nila ang mga mamamayan nila na manatili na lamang sa loob ng kanilang bahay.

Noong presidential at parliamentary election na ginanap sa Oktubre 29 ay nagresulta sa madugong karahasang pulitika kung saan ilang daang katao ang nasawi.