-- Advertisements --

Ipinaalala ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang tamang pasahod ngayong araw (Aug. 21), kung saan ipinagdiriwang ang Ninoy Aquino Day.

Ang naturang araw ay unang ideneklara bilang Special Non-Working Day.

Ayon sa DOLE, sakop ng ‘No Work, No Pay’policy ang mga empleyadong hindi papasok ngayong araw, maliban na lamang kung may mas magandang company policy o collective bargaining agreement na sinusunod o umiiral na nagbibigay ng bayad sa special day.

Sa mga emplyado ng kumpaniya na papasok at magtatrabaho, makatatanggap sila ng karagdagang 30% ng kanilang basic wage para sa unang walong oras ng trabaho.

Kung nataon ito sa rest day ng isang empleyado ngunit pinili pa rin niyang pumasok, madadagdagan ng 50% ang kaniyang sahod.

Dapat ding madagdagan ng 30% ang hourly rate ng mga empleyadong magtatrabaho ng lampas sa walong oras.