House of Rep
House of Rep/ FB post

Nakasalalay ang tagumpay ng hihiranging Speaker sa 18th Congress sa relasyon ng mga kongresista at kay Pangulong Rodrigo Duterte

Sinabi ni House Deputy Speaker Sharon Garin na kung maganda ang koordinasyon ng mga kongresista, tiyak na magiging epektibo rin ang liderato ng magiging bagong lider ng Kamara.

Iginiit din ni Garin na malaki ang papel na gagampanan ng mga itatalaga sa mga posisyon sa mababang kapulungan ng Kongreso kaya dapat ding i-appoint dito ang may mga malaking potensyal talaga.

Kaya pinapayuhan ni Garin ang mga bagitong kongresista na papasok sa 18th Congress na patunayan ang kanilang husay sa trabaho.