Pag-aaralan pa ng pamahalaan particular ng regional tripartite wages and productivity board ang hiling na taas sahod para sa mga manggawa.
Tiniyak naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na hindi isinasantabi ng pamahalaan ang hiling na taas sahod.
Siniguro ng Pangulong Marcos sa mga manggagawa nan nakikinig ang pamahalaan sa kanilang hiling at kaniyang sisiguraduhin na ito ay tutugunan.
Gayunpaman sinabi ng Pangulo na may mga bagay na kailangan timbangin kung ano ang magiging epekto ng taas sahod.
Ayon sa Presidente dapat ikunsidera ang epekto nito sa paglago ng Negosyo, trabaho at ekonomiya ng bansa.
Aniya, masarap pakinggan ang matatamis na pangako hinggil sa wage increase pero kailangan itong balansehin.
Ipinagmalaki ng Presidente na 16 na rehiyon na ang nakapagpatupad na ng salary increase simula nuong Hunyo ng nakaraang taon.
Sa kabilang dako, ibinahagi ng Pangulo ang ibat ibang programa ng pamahalaan para tulungan ang ating mga kababayan maibsan ng kanilang paghihirap Lalo na sa mga gastusin.