-- Advertisements --
Muling nakapagtala ng phreatomagmatic eruption ang Taal volcano ngayong araw.
Ayon sa Phivolcs, nangyari ito kaninang alas-6:50 ng umaga na tumagal ng dalawang minuto.
Ang phreatomagmatic ay pagbuga ng usok at abo ng bulkan, kung saan sa pagkakataong ito ay may taas na 900 metro at napadpad sa timog-timog kanlurang direksyon.
Maliban dito, nagkaroon din ng 152 pagyanig, kung saan may ilang tumagal ng dalawang minuto.
Paalala ni Phivolcs Dir. Renato Solidum, maging alerto para sa posibilidad ng panibagong pagsabog nito.
Sa ngayon, wala pa namang namamataang malaking volume ng magma na umaakyat sa crater ng bulkan, kaya maliit ang posibilidad na makapagtala ng panibagong malakas na pagsabog.