-- Advertisements --

Umabot hanggang Tagaytay City ang ibinugang volcanic smog ng Taal volcano mula pa kagabi.

Ayon kay Taal Volcano Observatory resident volcanologist Paolo Reniva, nanggaling ang smog sa sulfur dioxide na inilabas ng naturang bulkan.

Nabatid na kagabi pa lamang ay nakitaan na ng makapal na usok ang bulkan at tumagal hanggang ngayong umaga.

Nananatili ang Taal sa alert level one, ngunit hindi inaalis ang posibilidad na muli itong pumutok.

Malaking tulong naman ang buhos ng ulan para mapawi ang smog na kumalat sa paligid ng bulkan.