Welcome kay House Infra Committee lead Chairman Rep. Terry Ridon ang pag talaga kina dating DPWH Sec. Rogelio Singson at dating SVG Chair Rossana Fajardo bilang miyembro ng three man team ng Independent Commission.
Sinabi ni Ridon na malugod nilang tinatanggap ang pagkakabilang nina Singson at Fajardo bilang mga bagong miyembro ng Independent Commission on Infrastructure (ICI).
Ayon kay Ridon buo ang kanilang tiwala sa kanilang kakayahan at integridad upang maisagawa ang mahalagang tungkulin ng pagsisiyasat sa katiwalian sa mga proyekto sa imprastruktura at flood control, pagpapakilala ng makabuluhang reporma sa gawaing-bayan, at pananagot ng mga sangkot sa katiwalian.
Dagdag pa ni Ridon, iginagalang nila ang desisyon ng Pangulo na italaga si Baguio City Mayor Benjamin Magalong bilang Special Adviser ng ICI.
Gayunpaman, nararapat ding isaalang-alang ng ICI ang mga naunang pampublikong pahayag ni Mayor Magalong ukol sa umano’y katiwalian sa imprastruktura at flood control.
Dapat ding pag-aralan kung kinakailangan ang kanyang pagbitiw sa ilang kaso upang maiwasan ang anumang pagkakataon ng pagkiling o prehuwisyo.