Pinabulanan ni Albuera, Leyte Mayor Kerwin Espinosa ang kumakalat na balita na siya ay binaril, na tinawag ng kanyang abogado na ”fake news.”
Sa isang pahayag sinabi ni Atty. Raymund Palad na ang alkalde ay hindi binaril, kundi dumaan lamang sa isang medical check-up para sa iniinda nitong injury sa kanyang kanang kamay.
Kinumpirma rin ng attorney ni Espinosa na nakausap niya pa si Kerwin kamakailan, kaya’t sinabi nitong malisyoso ang mga kumakalat na dinala umano sa Maynila ang alkalde para gamutin matapos barilin.
Matatandaan na noong Abril ng taong ito, ay binaril si Espinosa habang nangangampanya para sa pagka-mayor. Pinabulaanan niya ang mga paratang na siya ang nagplano ng ambush, at ipinaabot ang takot para sa kanyang buhay matapos magsampa ng kaso laban sa pitong pulis na sangkot sa insidente.