-- Advertisements --

Ipinahayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hindi makakaapekto ng malaki sa public mobility ang nakatakdang transport strike ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (Piston) sa Huwebes, Setyembre 18, 2025.

Ayon kay LTFRB Chair Teofilo Guadiz III, handa ang mga ahensya ng gobyerno, tulad ng Department of Transportation (DOTr), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at mga lokal na pamahalaan, na magpatupad ng mga contingency measures upang matugunan ang posibleng abala sa mga commuter.

Kaugnay nito magbibigay din ng libreng sakay ang pamahalaan tulad ng military trucks, buses, at mga modernized public utility vehicles (PUVs) upang matulungan ang mga apektadong pasahero. Gayundin ang pagkakaroon ng mga alternatibong ruta at karagdagang mga sasakyan.

Samantala, ipinanawagan naman ng LTFRB na magkaroon ng dialogo ang mga transport groups sa pagkakasa ng mga kilos protesta upang maiwasan ang abala sa publiko.