-- Advertisements --
Itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Siesmology (Phivolcs) sa alert level 3 ang Taal volcano, nitong Huwebes ng hapon.
Nangangahulugan ito na may “magmatic unrest” sa nasabing bulkan.
Pasado alas-3:00 ng hapon nang mamataan ang “phreatomagmatic eruption.”
Kaugnay nito, inirekomenda ng Phivolcs ang paglilikas ng mga nasa Taal Volcano Island, Taal Lake, Agoncillo, Batangas (Banyaga, Bilibinwang), at Laurel, Batangas (Gulod, Boso-Boso, Lakeshore Bugaan West).
Tiniyak naman ng mga tauhan ng militar at pulisya na nakahanda silang umalalay sa paglikas ng mga residente, kung kinakailangan.