-- Advertisements --
Kumpiyansa si Bureau of Internal Revenue Commissioner Romeo Lumagui Jr. na makakamit nila ang target tax collection na P3.2 trillion ngayong taon.
Ito ay kahit na mas mataas ang target ngayong taon kumpara noong nakaraang taon na mayroon lamang na P2.8 trillion.
Sa naging pahayag kasi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa State of The Nation Address (SONA) ay maraming proyekto itong binanggit kaya natitiyak ng BIR na gagawin nila ang kanilang parte para makakulekta ng buwis.
Giit ni Lumagui na mas dodoblehin nila ang paglaban sa mga tax evaders para makakulekta ng sapat na buwis.