-- Advertisements --

Nilinaw ng Philippine National Police (PNP) na inalis sa pwesto bilang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) director si PBGen. Romeo Macapaz kaugnay ng isyu ng mga missing sabungeros.

Sa isang pulong balitaan sa Kampo Krame, ipinaliwanag ni PNP Spokesperson PBGen. Jean Fajardo na isang personal request mula mismo kay Macapaz ang dahilan kung bakit inilipat ang dating CIDG Director sa Region 12.

Mula sa pagiging CIDG director ay hiniling ni Macapz na maging Regional Director ng Police Regional Office 12 (PRO 12).

Nanindigan naman si Fajardo na ‘hindi patas’ ang mga nagiging espekulsyon na mayroong nagdikta o nag-utos kay PNP Chief PGen. Nicolas Torre III para alisin bilang CIDG director si Macapaz.

Binigyang diin din ni Fajardo na walang sinuman sa kanilang hanay ang maaari at pinapayagang magdikta sa mga gagawin at dapat gawin ng hepe.

Bilang malapit na rin ang halalan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ay inaasahan na ang presensiya ni Macapaz bilang regional director ng rehiyon ay magiging isang malaking tulong sa pagpapatupad ng kaayusan at kapayapan sa mismong araw ng parliamentary elections.

Samantala, muli namang binigyang diin ni Fajardo na ang mga ginagawang hakbang ng Pambansang Pulisya at nananatiling alinsunod sa mga direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at nakadikit din aniya sa layunin ng organisasyon na mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng buong bansa.