Kinumpirma ni Agriculture Assistant Secretary Arnel de Mesa na pinag-uusapan na ang pagbebenta ng P20 kada kilo ng bigas sa mga public school teacher sa susunod na buwan.
Bahagi ito ng pagpapalawak ng “Benteng Bigas Meron (BBM) Na” program na unang inilunsad para sa mga senior citizen, PWD, solo parent, at 4Ps beneficiaries.
Nais ng Department of Agriculture na maisama ang mga guro bilang bagong benepisyaryo ng programang ito upang makatulong sa kanilang gastusin sa araw-araw.
Sa kasalukuyan, tinatayang nasa 120,000 minimum wage earners na ang nakikinabang sa programang ito simula pa noong Hunyo.
Ayon kay De Mesa, posibleng maipatupad ang access ng mga guro sa P20 na bigas sa mga piling lugar sa Region 2 at Region 3 ngayong Agosto.
Patuloy pa rin ang pag-finalize ng mekanismo para sa maayos na distribusyon at pag-iwas sa duplication ng benepisyaryo.
Nabatid na isa ang nasabing proyekto sa campaign promises ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.