Nakapagtala ng 113 volcanic tremor episodes sa bulkang Taal sa nakalipas na 24 na oras.

Ayon sa ulat ng Phivolcs, tumagal ito ng isa hanggang 34 na minuto.

Ang naturang mga pagyanig ay pagpapakita pa rin ng abnormalidad, isang taon makaraang magkaroon ito ng phreatic eruption.

Pero sa kasalukuyan, kahit sunod-sunod ang volcanic quakes, mahina naman ang inilalabas na usok sa main crater nito.

Tinitingnan na rin ng Phivolcs ang pamamaga ng lupa sa volcano island, pati na ang temperatura ng tubig sa naturang lawa.