-- Advertisements --

Maaari umanong maulit at tumagal pa ang pagbuga ng usok ng Taal volcano hanggang sa mga susunod na linggo.

Ito ang sinabi ng Phivolcs, matapos ang panibagong pagpapakita ng abnormalidad kagabi, kung saan marami ang nakapuna ng makapal na usok.

Naitala ito bandang alas-9:00 hanggang alas-10:00 kagabi.

Ayon sa residente ng Brgy. Bilibinwang sa Agoncillo, Batangas na si Jeff Badal, unang inakala ng ilan na thunderstorm clouds lamang ito.

Samantala, sa ulat ng Taal Volcano observatory personnel, tinukoy nilang nagmula ang usok sa main crater lake.

Lumalabas na dulot ito ng mainit na volcanic materials mula sa aktibong bulkan.