Hindi hahayaan ng Bureau of Customs na maabuso ang mga pribilehiyo ng Balikbayan Boxes.
Ginawa ng ahensya ang pahayag kasunod ng pagkakasabat ng nasa ₱749 na milyong pisong halaga ng shabu sa isang shipment ng balikbayan boxes sa Manila International Container Port .
Nabatid na nadiskubre ito matapos na isagawa ang 100% inspection sa naturang shipment .
Dito ay tumambad sa mga tauhan ng BOC ang mahigit 100 kilo ng iligal na droga na nakatago sa apat na kahon.
Partikular na subject ng operasyon ay ang isang 40-foot container na unang idineklara bilang Balikbayan Box shipment.
Ayon kay Customs Commissioner Ariel Nepomuceno, hindi sila papayag na nagagamit ang mga Balikbayan privileges sa mga ilegal na aktibidad.
Punto ng opisyal na hindi dapat nadadamay ang tiwala ng mga overseas Filipinos dahil sa mga kagagawan ng mga kriminal.
Nakatakda namang iturn-over ang mga nakumpiskang droga sa Philippine Drug Enforcement Agency para sa kaukulang kaso at disposisyon.