-- Advertisements --
Tiniyak ng Bureau of Customs (BOC) na hindi naapektuhan ng baha ang forfeited Bugatti units ng mag-asawang Sarah at Curlee Discaya.
Ayon kay Deputy Chief of Staff Atty. Chris Bendijo, ligtas ang mga sasakyan at naka-park sa mataas na bahagi sa tapat ng Port of Manila, malapit sa basketball court.
Pinabulaanan din ni Bendijo sa isang panayam ang mga kumakalat na alegasyong binaha ang mga luxury car ng Discaya. Personal din niya itong ininspeksiyon.
Dagdag pa ng opisyal, minadali ni BOC Commissioner Ariel Nepomuceno ang pagproseso ng mga nakumpiskang sasakyan upang maiwasan ang depreciation ng mga ito.
Naghahanda na rin ang BOC para sa mga nakatakdang auction, kabilang ang isang Rolls-Royce unit.














