-- Advertisements --

Nakuha na ng San Miguel Beermen ang kampeonato ng PBA 49th Season Philippine Cup.

Ito ay matapos na selyuhan nila ang Game 6 laban sa TNT Tropang 5G sa score na 107-96 sa laro na ginanap sa Philsport Arena.

Ang 4-2 na panlao ng Beermen sa best of seven finals ay kanilang ika-pitong Philippine Cup crown sa nagdaang 10 season at ito na rin ang kanilang ika-30 PBA championship sa kasaysayan ng kanilang prankisa.

Nagtala ng tig-24 points sina June Mar Fajardo at CJ Perez habang tinanghal na Finals Most Valuable Player si Jericho Cruz.