-- Advertisements --

Inaasahang makakaranas ng maulap at maulang panahon ang inaabangang ikaapat na ulat sa bayan o State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa araw ng Lunes, Hulyo 28.

Ayon sa state weather bureau, ang southwest monsoon o habagat ang pangunahing weather system na makakaapekto sa bansa sa araw ng Lunes.

Inaasahang magdadala ang habagat ng maulap na papawirin na may tiyansa ng isolated rains o thunderstorms sa Metro Manila.

Gayundin sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region (CAR), Western Visayas, Negros Island Region, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, at Palawan.

Ang nalalabi namang parte ng kapuluan ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated na mga pag-ulan o thunderstorms.