-- Advertisements --

Pinag-iingat ngayon ng Bureau of Immigration ang publiko sa pagkalat ng ilang mga scammer na nagso-solicit ng pera para umano sa mga biktima ng bagyo.

Kung saan nagbigay babala si Immigration Commissioner Joel Anthony Viado hinggil sa mga indibidwal na ginagamit ang kanyang ngalan makapangolekta lamang ng pera.

Ayon sa pahayag ng kawanihan, ang babala ay bunsod ng makatanggap sila ng mga ulat hinggil sa ‘scammers’ na nagpapanggap na may koneksyon kay Commissioner Viado.

Nanghihingi raw ang mga ito ng ‘monetary donations’ na siyang layon gamitin sana umano para sa mga nasalanta ng bagyo.

Sa pag-iimbestiga, natuklasang ang sangkot na scammer ay kaparehong cellphone number pa na gamit sa ilang insidente ng panloloko na target naman ang iba pang ahensya ng gobyerno.

Kaya’t kinundena ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado ang maling paggamit sa kanyang ngalan at mariing pinabulaanan ang pakikibahagi nito sa anumang uri ng solication para sa donasyon.

Nakikipag-ugnayan naman aniya sila sa National Bureau of Investigation o NBI para mapaimbestigahan ang naturang insidente ng pangloloko.