-- Advertisements --

Tuluyan ng humina ang bagyong Emong habang ito ay patuloy na lumalayo sa Batanes.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nakita ang sentro ng bagyo sa may 260 kilometers ng East Northeast ng Itbayat , Batanes.

May taglay na lakas ito na hangin ng 75 kilometers per hour at pagbugso ng hanggang 90 kph.

Nakataas pa rin ang tropical cyclone wind signal number 1 sa Batanes.

Inasahan na tuluyan ng lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo itong umaga ng Sabado, Hulyo 26.