Kumbensido ang OCTA Research group na nakatulong ang dalawang-linggong enhanced community quarantine (ECQ) na ipinatupad sa Metro Manila para maagapan ang pagkalat pa lalo ng Delta coronavirus variant.
Base sa datos mula sa Department of Health (DOH), asahan na sa mga susunod na linggo mararamdaman ang downward trend sa mga naitatalang bagong COVID-19 cases.
Pero sa kabila nito, iginiit ng OCTA Research group na kailangan pa rin ng “sustained efforts” hanggang sa susunod na buwan.
Ayon sa OCTA, mula noong Agosto 15 hanggang 21, ang panibagong average daily cases sa Metro Manila ay nasa 3,819 o 24 percent na mas mataas kaysa seven-day average isang linggo ang nakaraan.
Bilang paghahambing, sinabi ng Philippine National Police (PNP) na nasa 149,000 paglabag ang naitala sa Metro Manila nang inilagay ito sa ECQ mula Agosto 6 hanggang 20.
Samantala, ang reproduction number o ang infection rate naman sa NCR ay kapareho lamang sa mga numero noong Abril ng taong kasalukuyan.
Isa sa mga posibleng paliwanag dito ay dahil sa presensya na rin ng mas nakakahawang Delta coronavirus variant.
Maari rin aniya na ito ay dahil sa mataas na mobility na iniulat ng DOH sa kasagsagan ng kakatapos lang na ECQ.