-- Advertisements --

Ipinahayag ni Singaporean Prime Minister Lawrence Wong na patuloy ang pag-suporta ng Singapore sa mga Pilipinong healthcare worker na nagtatrabaho sa kanilang bansa.

Sa isang joint press statement kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sinabi ni Wong na pinag-aaralan ng Ministry of Health ng Singapore ang mga paraan upang mapaunlad ang kasanayan ng mga Pilipinong manggagawa sa healthcare system at kalaunan magamit dito sa Pilipinas.

Dagdag pa ni Wong, pinag-aaralan din ng dalawang bansa ang pagpapalalim ng kooperasyon sa larangan ng healthcare system sa pamamagitan ng mas malawak na partnership.

Bukod sa healthcare, tinutulungan din ng Singapore ang Pilipinas sa pagsasanay at digital transformation ng civil service. Isa na rito ang leadership program ng National University of Singapore para sa Civil Service Commission, at ang mga inisyatiba ng Masyak Foundation sa Taguig City.

Tiniyak ni Wong na patuloy ang kooperasyon ng Singapore at mananatili bilang pangalawang tahanan para sa mga Pilipinong nasa Singapore.