Nagpakalat na ng National Guard si US President Donald Trump para pigilan ang mga nagsasagawa ng kilos protesta sa Los Angeles.
Mula pa nitong Biyernes ay nagtipon-tipon na ang mga protesters sa immigration hoding center sa Alameda.
Ipinoprotesta nila ang malawakang pag-aresto ni Trump sa mga iligal immigrants.
Aabot sa 44k katao na ang naaresto ng mga federal immigration.
Umabot na sa 2,000 na mga myembro ng National Guard para makontrol ang mga protesters.
Napilitang gumamit ang mga otoridad ng tear gas at flash bangs para mapigilan ang mga protesters.
Kinondina ng United Latin American Citizens ang paggamit ni Trump na National Guard dahil ito ay mas lalong magpapalala sa sitwasyon.
Magugunitang hinigpitan ni Trump ang pag-aresto sa mga iligal migrants kung saan ilang libo na ang kaniyang pinadeport.