-- Advertisements --

Ipinunto ni Senator-elect Francis “Kiko” Pangilinan na tanging acquittal o conviction ang maaaring pagpilian ng Senado bilang impeachment court base sa Konstitusyon.

Ginawa ni Pangilinan ang pahayag kasunod ng napaulat na ilang draft resolution kabilang na ang mismong inisyatibo ni Sen. Ronald Dela Rosa na naglalayong ibasura ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte dahil sa kawalan ng oras sa ilalim ng kasalukuyang Kongreso.

Paliwanag ni Pangilinan na sa oras na matanggap ng Senado ang reklamo, minamandato ng Saligang Batas ay proceed with trial’ o dapat ay agad na mag-convene ang Senado bilang impeachment court at hindi ‘proceed with dismissal’.

Saad pa ng Senator-elect na kung walang sapat na ebidensiya sa trial, dapat na i-acquit o i-abswelto at kung wala naman aniyang sapat na ebidensiya ay dapat i-convict.

Nakatakda ngang basahin ng Senado ang articles of impeachment laban kay VP Sara sa Hunyo 11, ang huling sesyon ng 19th Congress bago mag-adjourn sa Hunyo 13.

Samantala, nakatakdang magbalik sa Senado si Pangilinan sa oras na mag-convene na ang 20th Congress sa Hulyo ng kasalukuyang taon.