-- Advertisements --

Umapela si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa mga kasamahan sa Kamara na ipasa ang mga “landmark digital at technological legislation.”

Sa kanyang talumpati sa pagbabalik-sesyon ng Kamara kahapon ibinida ni Romualdez ang mga nagawa ng Kamara ngayong 19th Congress.

Ngunit panawagan niya, pagtibayin ang ilang panukala na kailangan sa makabagong-panahon.

Kabilang dito ang panukalang Open Access in Data Transmission Act para sa mas mabilis at mapagkakatiwalaang internet sa bawat barangay.

Gayundin ang panukalang E-Governance Act, para sa integrated at digitized na mga serbisyo ng gobyerno, para mapuksa na ang red tape.

At ang kauna-unahang komprehensibong batas ukol sa Artificial Intelligence o AI, upang makasabay sa inobasyon, habang pino-protektahan ang “ethics, privacy at human dignity.”