Planado na umano ng pamahalaan kung paano ma-sustine ang P20 rice hanggang sa 2028 o pagtatapos ng termino ni Pang. Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay National Food Authority Administrator Larry Lacson, mayroon nang actual na nakapaloob na pondo para sa naturang programa para sa 2026, 2027, at buong 2028.
Kalakip nito ay ang pondong ilalaan para sa procurement o pagbili ng local rice mula sa mga magsasaka.
Ayon pa kay Lacson, naka-plano na rin ang bulto ng bigas na ilalabas mula 2026-2028, salig sa makokunsumo ng target na bilang ng mga consumer na masusuplyan ng murang bigas.
Ginawa ng NFA Admin ang mga naturang pahayag kasabay ng kaniyang pagbisita sa ilang mga bodega ng NFA sa Mindanao at pakikipag-diyalogo sa mga magsasaka at mga consumer sa naturang rehiyon.
AV – NFA Admin Lacson
Samantala, nilinaw naman ng opisyal na ang tinutukoy ng administrasyon na rice sustainability sa ilalim ng naturang programa ay para sa mahigit 15.6 million kabahayan na target ma-benepisyuhan ng P20 Rice Program.
Aniya, ang mahigit 15 million household ay unang natukoy na labis na nangangailangan nito, dahil sa limitadong financial capacity, bagay na nais masolusyunan ng administrasyon.