-- Advertisements --

Inilabas na ng kapulisan sa California ang larawan ng suspek sa pananaksak sa isang matandang lalaki sa trolley station sa El Cajon.

Nakilala sa pamamagitan ng surveillance ang suspek na si Israel Ezekiel Valdivia, 24-anyos, na isang convicted felon.

Kakalabas lamang nito sa kulungan sa ilalim ng supervision at dahil sa pangyayari ay nalabag na nito ang kaniyang probation condition at mayroon na siyang warrant of arrest.

Ayon sa El Cajon Police District na mapanganib ang nasabing suspek dahil ito ay armado.

Magugunitang noong Nobyembre 3 ay bigla na lamang sinaksak ng suspek ang 71-anyos na si Jose Serra kung saan nagtamo ito ng matinding sugat sa kaniyang iba’t-ibang bahagi ng katawan at nasa malubhang kalagayan.

-- Advertisement --

Naniniwala ang kapulisan na ang pang-aatake ay hindi isang uri ng race-motivated hate crime.