Tinutugis ng mga kapulisan ng Muntinlupa City ang lalaking suspek sa pagpatay sa 22-anyos na dalaga.

Ayon kay Major Elmer Gutierrez, hepe ng Alabang Police Community Precint, may mga saksi sila nagtuturo kay Alexander Morpuz na siya umanong responsable sa pagpatay kay Sheva Adare Mae Prementil.

Makikita rin sa kuha ng CCTV ang suspek na hila-hila ang isang sako kung saan doon isinilid ang bangkay ng biktima.

Ang suspek ay siyang dating manliligaw ng biktima na siya ang huling nakita sa tinutuluyan ng biktima.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here