-- Advertisements --

Kinumpirma ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa na hindi siya dadalo sa ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Hulyo 28. 

Ayaw daw makipagplastikan ng senador sa ilang mambabatas at ilang  tao mula sa Malakanyang dahilan kaya hindi na lamang daw siya dadalo sa SONA. 

Alangan daw dumalo siya sa SONA na pangiti-ngiti kahit na masama ang kanyang loob o nakasimangot. 

Nilinaw naman ng senador na personal niyang desisyon ang hindi pagdalo sa SONA at ayaw niya raw idamay ang iba pang senador na kasapi ng Duterte bloc. 

Gayunpaman, sinabi ni dela Rosa na wala na siyang inaasahan sa kung ano ang sasabihin ng pangulo sa SONA. 

Bigyang-pokus na lamang aniya ng administrasyon ang 

pagpapaganda sa buhay ng mga Pilipino.