Sinibak ng Korte Suprema ang isang court sheriff sa Cavite matapos mapatunayang guilty sa pagtanggap ng suhol sa hawak niyang drug case.
Kaugnay nito, ipinag-utos ng Supreme Court en banc ang pagtanggal kay Dwight Aldwin Geronumo, Sheriff IV ng Imus City Regional Trial Court Branch 21 at pag-revoke sa lahat ng kaniyang retirement benefits.
Permanente ding pinagbawalan ng korte si Geronimo mula sa pagtratrabaho sa gobyerno.
Nag-ugat ang kaso laban kay Geronimo sa isinampang reklamo laban sa kaniya ng complainant kung saan hiningan umano siya ng court sheriff ng P200,000 kapalit ng mabilis na paglutas ng drug case ng kaniyang kaibigan.
Sa hatol naman ng Korte Suprema, sinabi nitong nilabag ni Geronimo ang Section 2 ng Code of Conduct.
Kaugnay nito, nagpaalala ang korte sa lahat ng court employees na magsilbing mabuting ehemplo hindi lamang ng kakayahan, at kahusayan kundi nang may pananagutan.