ILOILO CITY – Inamin na ng 42-anyos na suspek sa panggagahasa at pagpatay sa dalaga sa Janiuay, Iloilo ang ginawa nitong krimen.

Kalunos-lunos na kamatayan ang sinapit ni Ronalyn Bravio, 19, ng Barangay Abangay, Janiuay, Iloilo kung saan base sa autopsy report, basag ang bungo nito dulot ng paghampas ng matigas na bagay sa kanyang ulo

Samantala ang suspek naman ay ang pinsan ng biktima na si Rhegie Levoit.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay P/Cpt. Dadjie Delima, hepe ng Janiuay Municipal Police Station, sinabi nito na “obsessed” ang suspek sa kanyang pinsan kaya niya nagawa ang krimen.

Ani Delima, hinahanda na ang kasong rape with homicide laban kay Levoit.

Gagawing witness naman sa kaso ang 15-anyos na anak ng nasabing suspek na nauna nang umamin na pinilit siya ng kanyang ama na sumama sa kanya nang ginawa ang krimen kung saan siya pa ang humawak sa kamay ng biktima habang ginagahasa ito ng kanyang ama.