-- Advertisements --
Naghain ng guilty plea ang suspek na pumaslang kay dating Japanese prime minister Shinzo Abe.
Sa unang araw ng pagdinig ng kaso sa korte sa Tokyo ay inamin ng 45-anyos na si Tetsuya Yamagami ang krimen.
Sinabi nito na lahat ng akusasyon sa kaniya ay totoo kung saan gumamit siya ng homemade gun at binaril si Abe sa isang political campaign event sa Nara City noong 2022.
Sinasabing ang dahilan ay promosyon ng 67-anyos na si Abe at ruling Liberal Democratic Party (LDP) sa Unification Church o kilala bilang “Moonies”.
Nagbigay umano ang ina ng suspek ng $660,000 bilang donasyon sa simbahan na inubos at ginamit ng partido ni Abe sa kampanya.
Sa buwan pa ng Enero maaring ilabas ng korte ang hatol laban sa suspek.
















