NAGA CITY- Tuluyan nang binawian ng buhay ang suspek sa pamamaril sa magkakamag-anak sa Barangay Binahian, Sipocot Camarines Sur.

Kinilala ang suspek na si Alfredo Panganiban.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PMaj. Allan Macoy Jr., Chief of Police ng PNP- Sipocot, sinabi nito na pinag-awayan umano ng mga magpipinsan ang pinamanang bahay sa pamilya Mirando na hinahabol naman ni Panganiban.

Ayon kay Macoy, bago ang nangyaring insidente nagkaroon muna ng komosyon sa pagitan ng pamilya Mirando at Panganiban na nauwi sa pamamaril patay ni Panganiban kay Alona Mirando at Anacito Mirando habang sugatan naman si Allan Merando.

Makalipas ang pangyayari agad naman umanong nag baril sa sarili ang suspek gamit ang kalibre 45.

Dinala pa sa ospital si Panganiban ngunit binawian parin ito ng buhay.