-- Advertisements --

imus

Arestado ang umano’y mastermind at ang kasabwat nito na supplier ng explosive components sa ikinasang buy-bust at follow-up operations ng mga tauhan ng PNP CIDG sa General Trias, Cavite at Lucena City sa Quezon Province.

Kinilala ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar ang dalawang nahuling suspeks na sina Charlito Tenorio, supplier ng controlled explosive substances at ang mastermind na si JR Suson.

Ayon kay PNP chief, unang naaresto ng mga operatiba si Tenorio sa buy bust operation habang si Suson ay naaresto sa follow-up operations kahapon.

Nakumpiska ng mga otoridad ang nasa 32 units ng 25 kilos na ammonium nitrate na may kabuuang timbang na 750 kilos ng kemikal na ginagamit sa pampasabog.

Inatasan ni PNP chief ang CIDG para magsagawa ng malalimang imbestigasyon para matukoy kung saan ibinibenta ang mga nasabing controlled explosive substances.

” In view of my directive to ensure the safety of the nation from terrorism and criminality, the CIDG Cavite Provincial Field Unit arrested two suspects for selling explosives material and paraphernalia,” pahayag ni Gen. Eleazar.

imus3

Giit ni Eleazar na posibleng gamitin ito ng mga unscrupolous individuals lalo na ang teroristang grupo at criminal gangs.

Una nang ipinag-utos ni Eleazar sa mga police commanders na paigtingin na ang kanilang security measures lalo na sa panahon ng All Souls at All Saints day at maging ang nalalapit na national at local elections sa May 2022.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9516 o ang acquisition or disposition of firearms, ammunition and explosives ang dalawang suspeks.

Sa panig naman ni PNP CIDG Director MGen. Albert Ignatius Ferro nasa P200,000.00 ang kabuuang halaga ng mga nasabat na explosive components.

Sinabi ni Ferro na ang mga nakumpiskang pampasabog ay may blast radius na 1.5 kilometers.