-- Advertisements --

Unti-unti nang nakakarekober ang reservoir ng Manila Water matapos itong maapektuhan ng bagyong Ulysses.

Sinabi ni Dittie Galang, communication manager ng Manila Water, na unti-unti na ring naibabalik ng kompanya ang suplay ng tubig sa mga lugar na sinalanta ng nagdaang bagyo.

Kasama sa ilang sineserbisyuhan ng Manila Water ang lungsod ng Marikina at Rizal.

Humina raw kasi ang pressure ng tubig dahil sabay sabay na naglinis ang mga residente sa tubig baha at putik na iniwan ng bagyo sa kani-kanilang mga baranggay.

Ayon pa kay Galang, nagpadala na sila ng waste water trucks upang tumulong sa paglilinis ng mga residente sa mga naapektuhang kalsada.

Bukod dito ay may mga naka-standby na rin silang tanker na maghahatid naman ng tubig sa mga higit na nangangailangan, lalo na ang mga nagsasagawa ng clearing operations.

Sa mga nagnanais na mag-request ng tanker trucks upang mabigyan ng tubig na maaaring gamitin bilang panlinis ng mga lugar na hingaupit ng baha, maaari lamang tawagan ang numberong 1627.