-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Sasailalim muna ng ilang parish rituals bago ang tuluyang pagbubukas muli ng simbahang San Juan Bautista na nakabas sa bayan ng Jimenez,Misamis Occidental.

Kinompirma ni Most Reverend Martin Jumoad,arsobispo ng Archdiocese of Ozamiz na napagkasunduan ng board of consultors na muling ibukas ang Parokya alinsunod sa ipinadalang sulat ng mismong kura-paroko nito na si Reverend Father Rolly Lagada na dinggin ang apela ng mga parokyano sa nabanggit na bayan.

Sinabi ni Jumoad na naisagawa naman ng mga parokyano ang ilang batayan ng simbahan katulad ng isang linggo na nobena upang makumbinse ang board of consultors na buksan na para sa publiko ang itinuring sa ‘Jimenez Heritage Church’ dahil sa bahagi ng probinsya.

Inihayag ng arsobispo na magkaroon muna ng ilang mga ‘religious rituals’ ang mga dadalo na kaparian para maibalik na sa normal ang pagpapatakbo ng simbahan.

Magugunitang pansamantalang ipinasara ang simbahan epekto sa umano’y pagdura ng isang social media content creator sa bahagi ng ‘holy water font’ kaya umani ng magkaibang reaksyon mula sa netizens at mismong mga residente sa lugar.