-- Advertisements --

Kumpyansa ang Office of the Ombudsman na nabigyan nila ng ‘due process’ si former Sen. Bong Revilla Jr. hinggil sa kasong isinampa may kinalaman sa maanomalyang proyektong flood control.

Ayon kay Assistant Ombdusman Mico Clavano, pinasagot naman raw ang dating mambabatas at binigyan ng mga oportunidad para magsumite ng kanilang depensa.

Kung kaya’y nanindigan ang tanod-bayan na nasunod ang tamang proseso sa pagsasampa ng kaso o ‘due process’ laban sa dating senador.

Kaugnay ang pahayag nang paburan ng ikatlong dibisyon ng Sandiganbayan ang apela ni former Sen. Revilla na iparekunsidera ang resolusyon ng Ombudsman na makasuhan sila ng ‘malversation’.

Naghain kasi ang kampo nito at kapwa aksuadong si Juanito Mendoza ang ‘motion for reconsideration’ sa naturang korte.

Hinaing kasi nila na hindi sila nabigyan ng ‘due process’ o nilabag ang karapatan sa pagkakaroon nang masampahan ng kaso ukol sa anomalya ng flood control.