Reading Time: 1 minute
suns
Phoenix Suns/ Twitter

Ipinagmalaki ng Phoenix Suns ang pagkuha nila ng dalawang manlalaro.

Unang napapirmahan ng dalawang taon na kontrata si Cheick Diallo mula sa New Orleans Pelicans.

Kasunod ito ng pagiging free agent niya ng hindi na nirenew ng Pelicans ang kontrata nito.

Nakuha rin ng Suns si Frank Kaminsky sa multiyear deal.

Naglaro ng apat na season ang 7 footer na si Kaminsky sa Charlotte Hornets.

May average points ito ng 9.8 points at 4.0 rebounds.

Sinabi ni Suns General Manager James Jones na sa pagkuha nila ng mga manlalaro ay mag-iimprove na ang kanilang standing.