Tinatayang nasa P800,000.00 ang halaga ng pinsala sa nangyaring sunog sa office of the National Archives of the Philippines sa may 6th Flor PPL Building U.N. Avenue, Paco, Manila kaninang madaling araw.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (NCR) tinupok ng apoy ang mga computer sets at mga dokumento ng nasabing opisina at walang naitalang casualty sa nasabing sunog.
Ayon kay Fire C/Insp. Anna Rizza Celoso, public information officer ng Bureau of Fire Protection-National Capital Region, tinutukoy na ng mga imbestigador kung ano ang sanhi ng sunog na nagsimula kaninang ala-1:00 ng madaling araw at idiniklarang fire out bandang alas-3:00 ng madaling araw.
Ayon kay Celosos, kapag high rise ang building na nasusunog, ginagamittan ito nila ng platform aerial ladder para maabot ang sunog sa mataas na lugar lalo na kung hindi basta basta mapapasok ng mga bumbero.
Dahil dito, patuloy na pina-alalahanan ng BFP ang publiko na regular na i check ang kanilang mga electrical wiring at appliances sa mga opisina at residential areas.
“Bago matulog, bago iwanan ang building, bago iwanan ang opisina, i-unplug po natin lahat ng appliances,” wika ni C/Insp. Celoso.