Sunog 1
-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Sugatang ang 58 anyos na may-ari ng isang karenderya matapos matupok ng apoy ang kanilang bahay, sa Tiano-Akut Sts, lungsod ng Cagayan de Oro, bandang alas 6 ng gabi, kagabi.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cagayan de Oro kay SFO2 Adonis Llenas, OIC Operation sa Station-1 Fire subStation, sinabi nito na pagmamay-ari ng isang Imelda Paderangga ang nasunog na bahay at nadamay ang kanyang karenderya.

Binanggit ni Llenas na umamin sa kanila ang biktima na naiwanan niya ang nasindihang kandila matapos mag-alay ng dasal sa kanyang namayapang mahal sa buhay.

Ligtas na ang ginang matapos malapat ng first aid ang kanyang first degree burn.

Maliban sa biktima, wala nang na-ireport na sugatan matapos ang insidente.

-- Advertisement --

Umabot sa second alarm ang sunog at nasa P2.8 million ang halaga ng estimated structural damage.