BACOLOD CITY – Kulong ngayon ang active member ng Philippine Army sa Negros Occidental at kamag-anak nito dahil sa kasong pagnanakaw.

Sa impormasyong nakalap ng Bombo Radyo Bacolod, si Sergeant Steve Itucas na naka-assign sa 12th Infantry Battalion ng Philippine Army sa Tanjay City, Negros Oriental ay nahuli matapos silbihan ng mga pulis ng warrant of arrest sa kanilang bahay sa Barangay 5, Sipalay City, Negros Occidental kahapon.

Hinuli rin ang kamag-anak nito na si Jocel Itucas na nahaharap din sa parehong kaso ngunit hindi pa madetermina kung kailan nagawa ng dalawa ang nabanggit na krimen.

Kulong ang dalawa sa Sipalay City Police Station at P40,000 ang piyansa na inirekomenda ng korte para sa kanilang pansamantalang kalayaan.